Kamakailan lang ay winelcome ng celebrity couple na si Andi Eigenmann at Philmar Alipayo ang kanilang baby boy. Noong January 17, ipinanganak ni Andi ang isang healthy boy sa pamamagitan ng cesarean section. Pinangalanan nila itong Koa. Excited na excited namang ibinahagi ni Andi ang napakacute na picture ni Koa sa kanyang mga fans sa Instagram.
“We did it again papa! This journey was more of a breeze with you by my side. Thank you for being my rock! Because of you my worries and fears go away. I love love being your partner and going through this wonderful life, raising our kids with you. Glad I get to do this with you for life!”
Maraming fans ang nakapansin na kamukhang kamukha ni Andi ang kanilang baby boy! Bukod kay Koa, mayroon ring dalawang anak ni Andi. Si Lilo ay ang kanyang baby girl sa fiance na si Philmar. Si Ellie naman ay ang panganay ni Andi sa kanyang ex-boyfriend na si Jake Ejercito.
Ngunit kahit pa tatlo na ang kanyang anak, hindi pa rin nawawalan ng pagmamahal ang puso ni Andi. Sa katunayan, ayon sa aktres, mas lalo lamang tumataba ang kanyang puso sa tuwing nakikita niya ang kanyang mga anak. Kamakailan lang ay nagbahagi rin siya ng picture ng tatlong anghel niya.
Mukhang magkakasundo naman sila Ellie, Lilo, at Koa. Ayon pa kay Andi, tuwang-tuwa si Ellie at Lilo sa kanilang bagong kapatid! Siguradong mayroon na naman silang bagong makakasama sa kanilang mga vlogs sa Youtube channel nilang “The Happy Islanders.”
Noong 2020 ay tuluyan na ngang nag-propose si Philmar kay Andi. Maraming fans rin ang nakaabang sa nalalapit na kasalan ng dalawa. Siguradong magiging bongga ito, lalo pa’t ngayon ay tuluyan nang lumalaki ang kanilang pamilya.
Read also: Karen Reyes, Umamin na! Bakit Kaya Itinago ng Matagal ang Dalawang Anak Nila ni Sarkie Sarangay?
Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag-atubiling mag-follow sa aming Facebook page.
The post “Too Precious”- Andi Eigenmann, Proud na Ipinasilip ang Larawan ng Kanyang Tatlong Anghel sa Instagram appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments