Matapos ang Dalawang Dekada, Pinoy Hacker na Nasa Likod ng Love Bug Virus, Natunton na! Ito na Pala ang Buhay Nya Ngayon

Noong taong 2000, isang computer virus ang kumalat sa halos lahat ng mga computers sa buong mundo. Ang software, na mas kilala sa tawag na Love Bug virus, ay layuning makuha ang password credentials ng mga user. Maaaring ma-infiltrate ng virus ang computer mo pag nabuksan mo ang email na ito. Ngunit alam niyo ba na isang Pinoy ang may pakana nito?

Sa loob lamang ng isang araw, mahigit 45 million machines ang naapektuhan ng Love Bug virus. Bilyones rin ang naidulot na damage nito sa iba’t-ibang industriya, dahil sa pangamba nila para sa kanilang seguridad. Ang legendary hacker sa likod ng mga ito ay si Onel de Guzman.

Ayon kay Onel, ginawa niya ang software upang maka-access ng internet ng hindi nagbabayad, ngunit hindi niya layuning magnakaw ng mga passwords.

Sa isang interview, inamin ng 44-year-old hacker na hindi niya inaakalang kakalat ito sa United States o sa Europe. Maging ang Pentagon ay di umano’y apektado nito.

Si Onel ay isang computer science student mula sa AMA Computer College. Sa kabila ng mga damages na naidulot ng kanyang Love Bug virus, hindi nakasuhan si Onel dahil noong panahong iyon, wala pang kongkretong batas ang Pilipinas tungkol sa cyber-hacking.

Dalawang dekada matapos ang pangyayaring ito ay muling natunton si Onel. Matapos ang biglaang pagkalat ng Love Bug virus, hindi na muling bumalik si Onel sa pag-aaral. Sa ngayon ay may-ari na siya ng kanyang sariling cellphone and computer repair shop sa isang mall sa Maynila.

Sa isang interview, inamin din ni Onel na nagsisisi siya sa paggawa ng Love Bug virus. Ayon sa kanya, hindi niya nagustuhan ang idinulot na kasikatan nito sa kanya.

At sa tuwing nakikita niya ang kanyang larawan na kumakalat sa social media ay ipinagsasawalang bahala niya na lang ito.

Anong masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ag inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang kwento, wag mag-atubiling mag-like o mag-follow sa aming Facebook page.

The post Matapos ang Dalawang Dekada, Pinoy Hacker na Nasa Likod ng Love Bug Virus, Natunton na! Ito na Pala ang Buhay Nya Ngayon appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments