Gaano katagal mo kayang hindi maligo? Para sa karamihan sa atin, ang paliligo ay parte na ng ating pang araw araw na buhay. Ngunit may mga tao sa iba’t-ibang panig ng mundo na kayang hindi maligo ng ilang araw, o ilang linggo! Kabilang na sa kanila ang matandang lalaking ito, na hindi lang buwan, kundi ilang taon nang hindi naliligo. Kilalanin ang kwento ni Amou Haji.
Sa bansang Iran, isang matandang lalaki ang naninirahan sa disyerto. Kilala ng mga lokal ng Dejgah si Amou Haji, na 83-anyos na. Sa loob ng maraming taon, mag-isang naninirahan si Haji sa disyerto.
Ayon rin sa mga reports, 65 na taon na siyang hindi naliligo. Paano kaya siya nakatagal sa ganitong klaseng pamumuhay?
Naniniwala si Amou Haji na masama sa kalusugan ang paliligo. Natatakot rin siyang magkasakit kapag naligo siya, kaya naman ilang taon na niyang iniiwasan ang paliligo.
Kasama na rin dito ang pagsisipilyo at pagsusuklay. Dahil dito, binansagan siyang “World’s Dirtiest Man.”
Araw-araw ay umiinom siya ng limang litrong tubig upang mapanatili ang kanyang lakas. Mahilig rin siyang kumain ng nabubulok na laman ng iba’t-ibang hayop mula sa disyerto, tulad na lamang ng porcupine. Bukod pa dito, naninigarilyo rin si Haji gamit ang natuyong dumi ng baka.
Ayon sa mga lokal, ilang taon na ang nakalilipas ay naging sawi sa pag-ibig si Haji. Ito rin marahil ang dahilan kung bakit mas pinili niyang manirahan mag-isa sa disyerto, malayo sa ibang tao.
Ngunit kahit pa ganito ang pinili niyang pamumuhay, kilala rin si Haji sa kanyang kabaitan.
Sa katunayan, nagtulong-tulong ang mga tao sa komunidad nila upang magtayo ng maliit na kubo para kay Haji. Gayunpaman, mas pinili niyang manirahan sa disyerto dahil mas kumportable siyang kasama ang kapaligiran.
Anong masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang kwento, wag mag-atubiling mag-like o follow sa aming Facebook page.
The post Kilalanin ang Tinaguriang ‘World’s Dirtiest Man’ o Pinakamaduming Tao sa Buong Mundo, 67 Years ng Hindi Naliligo o Nagsisipilyo! appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments