Nanindigan pa rin ang radio host at showbiz reporter na si Cristy Fermin na totoong buntis ang singer na si Angeline Quinto matapos ang umugong na isyu ukol sa tunay na kondisyon ng aktres ngayon.

Sa kaniyang radio program na Take It Per Minute, Meganon kasama si Lolit Solis at Mr. Fu, ibinahagi ni Cristy ang kaniyang mga napag alaman sa kalagayan ni Quinto ngayon dahil lubos na nag aalala na ang mga fans niya sa kaniya.

Ayon kay Cristy, kahit pa itago ni Quinto ang kaniyang kalagayan ay kumpirmado na ng kaniyang mga sources na totoong nag dadalang tao siya sa kaniyang non showbiz boyfriend.

Nagbigay din ng additional information si Cristy ukol sa tunay na pagkakakilanlan ng kasintahan ng ASAP singe.

“‘Ako ang alam ko nagdadalantao talaga siya, three to four months,”

“Ang kwento ng aking source, na hindi nanunununog at nangunguryente. Isang balasador ng baraha, sa isang casino. Dealer,”

Dagdag ni Cristy, napag alaman din daw niya na kababata pala ni Quinto ang kaniyang boyfriend ngayon.

Nilinaw ito ni Fu, “Nagka-casino ba si Angeline?”

“Kababata pala niya ito sa Sampaloc,” sagot naman ni Cristy.

Nagkaroon din sila ng haka-haka kung paano naging magkasintahan ang dalawa gayong di hamak na magkalayo ang industriya na tinatahak nila.

“Di ba kumakanta siya sa isa sa mga casino,” ika ni Lolit.

Ani naman ni Fu, “Oh di nagkatagpo muli,”

Nagbigay naman ng pahayag si Lolit na naging usap-usapan ngayon, “Tsaka mabuti na noh, at least may pumatol sa kanya,

“Maganda naman si Angeline,” mabilis na sagot ni Fu.

Dagdag ni Lolit, hindi umano maganda si Quinto, “Parang hindi naman,”

Pagtatanggol ni Fu, “Maganda si Angeline, maganda ang boses at mabait,”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Cristy Fermin, Nanindigang Buntis ang Aktress na ito, Sey ni Lolit, “At least may pumatol sa kaniya!” appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed