Jake Cuenca, Inaresto Matapos Takbuhan ang Sasakyan na Kaniyang Nabangga

Ang aktor na si Jake Cuenca ay kamakailang naiulat na nasangkot sa isang car chase sa mga pulisya na sa kasamaang palad, nag resula sa kaswalidad ng isang Grab driver na tinamaan ng ligaw ng bala noong Sabado ng gabi, Oktubre 9, 2021.

Ayon sa isang post sa Facebook, ang insidente ay nangyari sa kanto ng Shaw Boulevard at Meralco Avenue sa Pasig City.

Ang Facebook page na nag ngangalang El Theatre ay nag-upload ng isang video ng insidente, at inilathala na bukod sa banggaan ay may isang kawawang empleyado ang nadamay sa engkwentro.

Ayon sa post: (published as is) “Mainit init na tsismis mga Mars! Jake Cuenca nyo nahuli ng pulis at nagkaputukan pa nga ng baril. May nadamay pa na grab driver sana makasurvive si kuya [sad emoji]”

Maririnig din ang isang boses sa video habang inilalapit ang pokus sa suspek, “Si Jake Cuenca iyan, yung artista…”

At may sumagot naman ng “Oo nga lasing…”

Sa isang banda, maririnig mo rin ang aktor na sinasabing, “Bossing, wala talaga akong sinagasaan.”

Kinumpirma ng direktor ng Eastern Police District, na si Police Brigadier General Matthew Baccay, ang balita noong Linggo ng umaga, Oktubre 10, 2021, sa isang pakikipanayam sa Dobol B TV.

Ayon kay Baccay, isang dumadaan na SUV ang nakabunggo sa sasakyan ng pulisya dakong alas-9 ng gabi. noong Oktubre 9, habang mayroong nagpapatuloy na anti-Marijuana na operasyon sa Mandaluyong.

Ang driver ng SUV, na kinilala ng pulisya na si Jake, ay hindi tumigil at nagpatuloy sa pagmamaneho hanggang sa makarating sila sa Shaw Blvd. sa Pasig City.

“So last night about 9 p.m., meron dumaan na sasakyan. Unfortunately, tinamaan yung sasakyan ng pulis natin. Actually it was reported na Jeep na sasakyan, so nagulat yung police personnel natin na hindi tumigil yung sasakyan.

“So hinabol ng mga pulis natin, hanggang nakarating sa area na ng Pasig, dito sa Shaw. When confronted, ayun nga, ang driver ng sasakyan was yung actor, si Jake Cuenca.”

Kinumpirma rin ni Eastern Police District Director Baccay na mayroong biktima ng ligaw na bala habang hinahabol ng pulisya si Jake.

“In the course of nung chase nila, yung mga personnel natin have to disable yung sasakyan. Pinaputukan yung gulong.

“Wala namang tinamaan, pero meron tayong yung kuwan, yung stray bullet, meron tinamaan tayong isang Grab driver.
“We are taking care of this Grab driver. Very unfortunate itong incident… This is a very unfortunate incident, walang may gusto into.

“But nonetheless, I instructed to POP ng Mandaluyong, Col. Mel Onos, na to take care of all the needs of this victim. Yung tinamaan ng stray bullet.”


What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

The post Jake Cuenca, Inaresto Matapos Takbuhan ang Sasakyan na Kaniyang Nabangga appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments