Isang loyal costumer ng Jollibee, nagpaluha ng libu-libong netizens matapos mag iwan ng isang liham sa tissue ng fast food chain

Kamakailan lamang ang naging kontrobersyal ang fast food chain na Jollibee matapos umugong ang isyu nito ukol sa fried towel sa isa sa kanilang branch sa BGC.

Dahil dito ay dumami ang tumuligsa sa naturang kainan at dumagsa rin ang sunod-sunod na pang babatikos sa Jollibee, kung kaya naman marami ang nalungkot sa kinaharap nitong problema.

Ngunit hindi rin nagtagal ay nakabangon ang Jollibee sa sunod-sunod na mga kontrobersiya, at muli na naman silang nagpapasaya ng mga tao, lalung-lalo na ng mga bata.

Mula sa post ng isang nagngangalang Mark Noguera, crew ng naturang fast food chain sa Taguig branch nito ay isang maka antig damdamin ang kaniyang ibinahagi sa Facebook.

Ayon kay Mark, isang tipikal na araw lamang sana ang kaniyang shift, bago niya matagpuan ang isang tissue mula sa table na tila may sulat.

At ng kaniyang basahin ay ganoon na lamang ang kaniyang pagka habag.

“Huling Jollibee ko na to :). Pinagbawalan na akong kumain ng unhealthy foods ng doctor ko. Na-diagnosed kasi ako ng C-R Stage 2 sana gumaling agad ako para di ko masyadong mamiss ang pagkain dito. Thank you Jollibee sa uulitin :)”

Kwento ni Mark, natatandaan niyang isang babae na tila nasa 20s ang umupo sa lamesa.

Agad namang ibinahagi ni Mark ang tissue na kaniyang natagpuan sa kaniyang mga kasamang crew at pati sila ay naging emosyonal din.

Kung kaya naman napag isipan ng binata na ibahagi sa Facebook ang kwento ng babae upang mag silbing inspirasyon sa karamihan.

“To ate customer na nakasalamin na nasa 20+ pa lang yung age at kumain kanina sa Jollibee Signal Village around 3pm kanina, I recognize your face kasi ako po yung nagserve ng pagkain nyo, lahat po ng sakit gumagaling pray lang po tayo ng pray kay God kasi siya yung Great Healer of all. Malalagpasan niyo po yan at gagaling kayo claim it PO. On behalf of my JBSV family, ipapanalangin po namin ang agaran niyong pag galing and we wanna give you warm hugs if possible.”

Libu-libong netizens ang hindi mapigilang maluha sa pagbabahaging ito ni Mark, at hiniling ang mabilis na pag galing ng dalaga.

 

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

The post Isang loyal costumer ng Jollibee, nagpaluha ng libu-libong netizens matapos mag iwan ng isang liham sa tissue ng fast food chain appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments